Digong: Banta ni VP Sara sa labi ni Marcos Sr., ‘di dapat seryosohin

MANILA, Philippines — Tinawag ni dating pangulong Rodrigo Duterte na “extended hyperbole” o eksaherado lang na pahayag ang tinuran ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte kaugnay sa labi ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Ito ay kasunod nang naging pahayag ni VP Sara noong nakalipas na linggo na ipapahukay niya ang labi ng dating pangulong Marcos at itatapon sa West Philippine Sea kapag hindi siya tinigilan ng mga kaalyado ng Marcos administration.

Sinabi ni dating Pa­ngulong Duterte na hindi dapat seryosohin ang sinabi ng kaniyang anak dahil posibleng nagalit lang ito pero hindi naman gagawin ang pagtatapon ng labi ng dating pangulo sa West Philippine Sea.

Sinabi ng dating presidente na tatlo ang kaniyang anak at sa kaniya nagmana ng ugali si VP Sara na matalas magsalita.

Show comments