^

Police Metro

Maintainer ng drug den sa Malacañang complex, naaresto

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lalaki na umano’y sangkot sa pagbebenta ng shabu at pagmamantine ng drug den sa loob ng Malacañang complex sa Maynila ang ­naaresto ng National Burea of Investigation - Dangerous Drugs Division (NBI-DDD).

Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang nahuling suspek na si Edgar Ventura, alyas Face na naaresto sa ikinasang operasyon ng NBI sa San Miguel, Maynila.

Ang pagkakahuli sa suspek ay batay sa impormasyon na nakalap ng NBI hinggil sa illegal transaction sa naturang lugar.

Sa tulong ng Presidential Security Group (PSG) at sa pakiki­pag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at local police ay naisagawa ang paghuli sa suspek sa bisa ng Warrant of arrest na naipalabas ng Manila RTC branch 37.

Nang mahuli, nakumpiska mula dito ang 9 na plastic sachet ng hinihinalang illegal drugs, iba’t ibang drug paraphernalia na nai- turn over na sa NBI-Forensic Chemistry Division para masuri.

Takdang kasuhan ito ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DRUG DEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with