^

Police Metro

Lady radio reporter, itinumba

Gemma Garcia, John Unson - Pang-masa
Lady radio reporter, itinumba
Maria Vilma Rodriguez
Philippine STAR/John Unson

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang babaeng radio reporter nang pagbabarilin habang nakaupo sa tindahan ng ina sa Brgy. Tumaga, Zamboanga City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng tatlong bala sa katawan ay kinilalang si Maria Vilma Rodriguez, 56-anyos, da­ting volunteer reporter ng Brigada Station at naging host ng isang public affairs program ng 105.9 EMedia Radio na may online social media platform din.

Sa ulat, nakaupo ang biktima sa tindahan ng kanyang ina sa Comet St., ng nasabing barangay nang lapitan ng isang lalaki na armado ng kalibre 38 baril at malapitang pinagbabaril. Nang bumulagta ang biktima ay agad na tumakas ang suspek.

Ayon sa mga kasama ni Rodriguez sa Zamboanga City media community, ilan sa kanila mga radio reporters na naka-assign sa PRO-9 at Western Mindanao Command ng militar sa naturang lungsod, may malaking alitan si Rodriguez at ilang mga kamag-anak na posibleng siyang dahilan ng pagpaslang sa kanya.

Kinondena naman ng Presidential Communications Office(PCO) ang pagpatay sa biktima at hiniling nito sa kaukulang ahensiya ng gobyerno na magsagawa ng mabilis at malalimang imbestigasyon sa pagpatay kay Rodriguez.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with