Sa mga tirada kay Marcos Sr.
MANILA, Philippines — Tinawag na ‘very disturbing’ ni Justice Secretary Boying Remulla ang mga naging pahayag ni Vice President Sara Duterte laban sa mga Marcos.
Ayon kay Remulla, nakababahala na ganito ang iniisip at nagiging remarks ng taong nasa ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.
Lahat naman aniya ng naririnig natin mula kay Duterte ay hindi natin nanaising marinig.
Samantala, pinag-aaralan umano ng Department of Justice (DOJ) ang mga legal consequences sa mga naging pahayag ni VP Sara hinggil sa labi ni dating Pang. Ferdinand Marcos Sr.
Ani Remulla, nilalapastangan nito ang alaala ng tao; at ang kapayapaan ng yumao.
“It desecrates the memory of a person, it desecrates the peaceful state that he must be in, having already perished, to disturb the body and there are many other moral principles that are being violated, and we are looking at the legal aspects also,” pahayag pa ni Remulla.