Alice Guo tatakbo uli sa pagka-mayor ng Bamban, Tarlac

Former Bamban Mayor Alice Guo attends the Senate hearing on her alleged POGO activities on Sept. 17, 2024.

Philippine passport kinansela na ng DFA

MANILA, Philippines — Nakatakdang ­tumakbo muli sa pagka-alkalde si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ang sinabi ng kanyang legal counsel na si Atty. Stephen David na kung saan ay ihahain ang certificate of candidacy ni Guo sa susunod na linggo sa pamamagitan ng isang kinatawan para sa 2025 midterm elections.

Binigyang-diin ni ­David na wala pang desisyon at hatol ang korte hinggil sa nasyonalidad ni Guo habang nanindigan ito na isang Pilipino ang dating alkalde.

Ayon pa kay David, ang taumbayan ng Bamban dapat ang humusga kung karapat-dapat pa rin si Guo na manungkulan sa kanilang lungsod.

Samantala, inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kinansela na nila ang Philippine passport ni Guo.

Ayon sa DFA, agad silang umaksiyon matapos matanggap ang certification na inisyu ng National Bureau of Investigation, kung saan tumugma ang biometrics ni Alice Leal Guo sa biometrics ng Chinese national na si Guo Hua Ping sa Passport Database.

Show comments