4 obrero dedo sa imbakan ng tangke ng patis

Illustration map of Obando Bulacan.
Google maps

MANILA, Philippines — Apat na lalaking trabahador ang nasawi matapos hindi makahinga sa nakabaong concrete tank ng abandonadong pabrika ng patis sa Brgy. Panghulo, Obando, Bulacan, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Rodolfo Tolentino, caretaker; Michael ­Lumukso; Eduardo Salomag; at Raffy Felix, kapwa nasa hustong gulang at mga construction worker.

Sa report ng ­Obando police, naganap ang insidente alas-2:00 ng hapon nitong Oktubre 3, sa pabrika ng patis sa Brgy. Panghulo.

Ayon sa imbestigas­yon, namataan ng helper na nagngangalang Allan sa lugar ang nakabulagtang si Tolentino sa kanyang nililinis na concrete tank na may lalim na 12 talampakan.

Agad na humingi ng tulong si Allan sa tatlong construction worker na nasa lugar para saklolohan si Tolentino, subalit sila rin ay hindi nakahinga at bumulagta sa loob ng naturang tangke.

Dahil dito, agad nagsagawa ng rescue and retrieval operation ang mga otoridad at kalaunay dinala ang mga bangkay para sa nakatakdang autopsy exa­mination.

Show comments