Chinese, 18-anyos dalaga tiklo sa mga baril at bala

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang Chinese national at umano’y tauhan nito na isang 18-anyos na dalaga nang makum­piskahan ng mga baril at bala sa isinagawang search warrant sa kanilang tinutuluyang bahay sa Brgy. P. F Espiritu 5, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Song Kai, Chinese national, 36; at tauhan na si alyas Julia, 18 na nasamsaman ng 1 unit ng PT845 Caliber .45 ­pistol Taurus na may serial number NCS93368; 1 G3 9x19 9mm pistol Taurus na may serial number ABG637775; 1 Caliber .38 pistol na walang serial number; 1 caliber .45 magazine na may mga lamang bala; 19 mm magazine na may 17 bala at 4 na bala ng caliber .38.

Sa ulat ng pulisya, alas-6:00 ng umaga nang magkasa ng search warrant operation ang Bacoor police laban kay Kai dala ang search warrant na inisyu ni Executive Judge Hon. Glenda R Mendoza-Ramos, RTC Branch 4, City of Calamba, Laguna.

Nakumpiska din sa loob ng bahay ng suspek ang 1 naka-zip lock sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng marijuana, 1 ziplock sealed transparent plastic sachet na may lamang 5 marijuana filter at 1 pipe tube .

Kasalukuyan ng nakakulong ang mga suspek at nahaharap sa patung-patong na kaso.

Show comments