MANILA, Philippines — Mararanasan ang ikalawang solar eclipse ng taong 2024 sa darating na Miyerkules, Oktubre 2 na tinawag na “ring of fire” – solar eclipse.
Ang solar eclipse na magaganap ay partial lamang o lalampas ang buwan sa araw pero sa pagkakataong ito ay bahagya lamang ng araw ang matatabunan ng buwan.
Ang eclipse ay hindi makikita sa Pilipinas pero “visible” naman sa Northern Hemisphere sa North America, Greenland, Europe at Northern Canada.