^

Police Metro

7-anyos tigok sa tuklaw ng ahas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi sa umano’y tuklaw ng ahas ang isang 7-­anyos na batang lalaki sa Caloocan.

Kinilala ng otoridad ang biktimang si James Abarabar na natutulog nang mamataan ng kanyang ina ang gumagalaw na ahas sa kanilang pintuan.

Ani Czarina Abarabar, ina nang biktima, agad nyang ginising ang kanyang anak nang makita ang ahas.

Matapos nito, nag­reklamo na umano si James dahil sa iniinda niyang sakit sa tiyan.

“Sabi niya, ‘Ang sakit ng tiyan ko, ma. Tulungan mo ako.’Tapos iyon, tumawag ako sa asawa ko. Sabi ko, “Iyong anak mo, nagdedeliryo, namumutla na, masakit daw tiyan niya tapos uhaw na uhaw siya. Puro siya tubig nang tubig tapos ‘yon, suka siya nang suka,” kuwento ni Czarina.

Makalipas ang ­ilang oras, tinakbo na nila sa ospital si James pero idineklara na itong dead-on-arrival. Huli na nang makita ang sugat sa kamay ng biktima na sinasabing tuklaw ng ahas.

Ayon sa death certificate ni James, dehydration at sakit sa tiyan ang ikinamatay ng bata.

Ayon naman kay Jona­than Curioso, purok leader ng Bagong Silang, bihira lang silang makatanggap ng report tungkol sa pag-atake ng ahas sa mga tao sa barangay.

Gayunman, mas maghihigpit daw sila sa pagbabantay para maiwasan na mangyari ito ulit.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with