‘Heartbeat’ ni Quiboloy, na-detect
Nagtatago sa underground bunker ng KOJC
MANILA, Philippines — Patuloy ang paghahanap ng mga otoridad sa entrance ng underground bunker sa loob ng 30 ektarya ng Kingdom of Jesus Christ compound na pinaniniwalaan doon nagtatago ang puganteng si KOJC founder, Pastor Apollo Quiboloy dahil sa na-detect ang tibok ng puso o “heartbeat”.
Ayon kay PMaj. Catherine Dela Rey, spokesperson ng Philippine National Police Davao Region, na gumamit sila ng life detection devices na ginagamit sa rescue missions kung may mga lindol kaya’t na detect nila ang tibok ng puso mula sa ilalim.
“Ang hinahanap na lang ngayon ‘yung entrance ng bunker kasi positive talaga ‘yung life detection device na ginamit na meron talagang heartbeat sa underground. Hindi lang isang tao. Hindi lang isang heartbeat ang na-detect. Very positive ‘yung information na na-receive namin na nasa loob ng KOJC compound si Quiboloy at ‘yung mga kasama niya” .
Idinagdag pa nito na ang actuations ng members ng KOJC na naging mas agresibo, bayolente, may mga structures na ayaw kaming papasukin, na isang indikasyon na meron talaga silang tinatago.
Nabatid na ang ground penetrating radar ay naglilikha ng imahe sa pamamagitan ng radar pulses. Natutukoy din nito ang heartbeats, kilos at heat signature.
- Latest