Flares ng fighter jets ng PAF, tinesting
MANILA, Philippines — Nagsagawa ng pag-testing ang mga piloto ng Philippine Air Force (PAF) sa ‘flares’ ng jet fighters nito kaugnay ng patuloy na ‘air patrol’ sa teritoryo ng himpapawid na nasasaklaw ng air zone ng West Philippine Sea (WPS) .Ito ang nabatid kahapon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. kung saan pinangunahan at sinaksihan niya mismo ang pag-test sa flares ng FA-50 aircraft ng PAF noong nakalipas na linggo.
“Mayroon tayo, we have flares. In fact, noong Friday ako po ay sumakay sa FA 50 at nagpatrulya kami sa West Philippine Sea at tinesting natin ‘yung mga flares natin“, pahayag ni Brawner sa mga reporters.
Noong Agosto 19 ay nagpakalawa ng flares ang dalawang aircraft ng China laban sa Cn1-2121 aircraft ng PAF habang nagsasagawa ng pagpapatrulya sa himpapawid ng Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) na muntik ng ikapahamak ng mga piloto at crew ng aircraft ng Pilipinas.
Inalerto na ng AFP ang lahat ng air at surface assets nito para suportahan at tiyakin ang kaligtasan ng mga Filipino personnel na nagsasagawa ng mandato sa nasasaklaw ng 200 milyang Exclusive Economic Zone ng bansa, himpapawid man o karagatan.
- Latest