^

Police Metro

Kelot timbog sa pagbebenta ng sex videos ng mga minor

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lalaki na nagbebenta ng mga malalaswang video ng mga menor de edad ang ina­resto sa ikinasang operas­yon, kamakalawa.

Ayon sa imbestiga­syon, napag-alaman na ang suspek na si “Blon­die,” 54-anyos, ay nagsasagawa ng mga sexual activity sa mga lalaki kapalit ng P300.

Matapos ang sexual encounter ay ibebenta niya ang video online sa titulong “Bagets Video” sa halagang P1,000 hanggang P3,000.

“Nagkaroon sila ng sexual activities na, lingid sa kaalaman nung mga kabataan na biktima niya, ay nire-record niya at ito ay pinu-publish or binebenta niya online… Meron din mga sites na binebentahan niya and marami din yung bumibili kadalasan nasa labas pa ng bansa and meron rin na dito sa Pilipinas bumibili ng mga explicit videos na ito,” pahayag ni PNP Anti Cybercrime Group Spokesperson, Police Lieutenant Wallen Arancillo.

Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse o Exploitation of Children and the Exploitation Materials Act.

Ayon pa kay Agoncillo na ang posibleng hatol na pagkakulong ay nasa 6 hanggang 12 taon dahil ginamitan ng ICT (information and communication technology) na magiging 1 degree higher ang penalty.

vuukle comment

SEX VIDEOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with