MANILA, Philippines — Tatlong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang hinatulan ng guilty ng Baguio Court sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio noong Setyembre 2019.
Sinabi kahapon ng kapatid ni Dormitorio na si Dexter, hinatulan ng Baguio Regional Trial Court (RTC) Branch 5 ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakakulong sina Shalimar Imperial; Julius Tadena; at Felix Lumbag Jr. na guilty beyond reasonable doubt of murder at hazing.
Magugunitang namatay si Dormitorio sa PMA Hospital noong Setyembre 18, 2019, isang araw matapos siyang ma-diagnose ng urinary tract infection.
Siya ay walang malay, hindi tumutugon, at wala nang vital signs nang dalhin siya sa ospital. Hindi na kumikibo ang mga mata ni Dormitorio. Asul na rin ang labi at mga kuko niya, mga pasa ang dibdib, tiyan, tagiliran, at likod ni.
Binigyan siya ng cardio-pulmonary resuscitation ngunit kalaunan ay idineklara siyang patay.
Ang diagnosis ay cardiopulmonary arrest na pangalawa sa blunt thoracoabdominal injury dahil sa pananakit.