MANILA, Philippines — Inaprubahan na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng karagdagang P5 bilyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Paliwanag ni Pangandaman , ito ay para mabigyan ng karagdagang pondo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na layong labanan ang kahirapan at suportahan ang mga pamilyang nangangailangan sa buong bansa.
Ayon pa sa kalihim, makakatulong ito para maibsan ang epekto ng inflation sa mga Filipino kaya ginagawa lahat ng Department of Budget and Management (DBM) para mapabilis ang proseso at epektibong maibigay ang mga pangunahing serbisyo tulad ng 4Ps.
Ang inaprubahang pondo aniya ay mangagaling sa fiscal year (FY) 2023 Continuing Appropriations ay gagamitin para sa arrears ng taong 2023 4Ps grants mula sa deactivation/suspension ng tinatayang 703,888 households na 4Ps beneficiaries.