Tserman sa Bulacan, itinumba sa clean-up drive

Kinilala ang biktima na si Wenceslao Bernardo, nasa hustong gulang, may-asawa, Brgy. Chairman at residente ng Capistrano st. Brgy. Marungko.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Isang barangay chairman ang patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem habang nagsasagawa ng clean-up drive kahapon ng umaga sa Sitio Tugatog, Brgy. Marungko, Angat, Bulacan

Kinilala ang biktima na si Wenceslao Bernardo, nasa hustong gulang, may-asawa, Brgy. Chairman at residente ng Capistrano st. Brgy. Marungko.

Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga nitong Agosto 3 sa Sitio Tugatog, Brgy. Marungko.

Ayon sa imbestigas­yon, habang naglilinis ang biktima kasama ang kanyang mga kababaryo sa nabanggit na lugar ay may biglang sumulpot na magkaangkas lulan ng puting Yamaha Aerox.

Nabatid na bumaba ang backrider at walang kaabog-abog na dalawang beses binaril ang biktima sa likurang bahagi ng kanyang ulo.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Bustos habang isinugod naman ang biktima sa Twin Care Hospital subalit patay na ito.

Show comments