^

Police Metro

6.8 magnitude na lindol yumanig sa Surigao del Sur

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur nitong Sabado ng umaga.

Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs-DOST) nangyari ang pagyanig dakong alas-6:23 ng umaga sa Lingid, Surigao del Sur. Hanggang alas-10 ng umaga kahapon ay nakaranas ang lalawigan ng 217 aftershocks na may magnitude na mula 1.5 hanggang 5.5.

Ang lindol ay may lalim na 10 kilometro kung saan naitala ang epicenter nito sa Lingig, Surigao del Sur habang naramdaman ang Intensity 5 sa bayan ng Hinatuan ng lalawigan, maging sa Bislig City, Surigao del Sur; Maco at Monkayo sa Davao de Oro gayundin ang bayan ng Rosario sa Agusan del Sur.

Intensity IV naman sa Davao City at Nabunturan, Davao de Oro; Intensity III sa Don Marcelino, Davao Occidental ; Baybay, Leyte at Inabanga, Bohol. Nakapagtala rin ng Intensity II ang lindol sa Cebu City.

Sa unang pagtaya ng PHiVolcs ang lindol ay nasa 6.5 magnitude pero ayon sa US Geological survey ang lindol ay may magnitude na 6.8.

vuukle comment

PHILVOCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with