MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino na mahalin ang pambansang wika at binigyang-diin ang kahalagahan ng layunin ng bansa na makamit ang pagkakaisa at pangalagaan ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
“Ang okasyong ito ay nagsisilbing mahalagang paalala sa atin na mahalin ang wikang Filipino nang bukal sa ating puso at nanggagaling sa kamalayan na ang mga wikang minana ay nagtatanghal ng ating kahanga-hangang pagkakakilanlan bilang isang lipi,” ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Marcos para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.
Hinimok din ng Pangulo ang mga Pilipino na tanggapin ang ganitong kamulatan sa puso at isip para pangalagaan ang “greater collaboration” sa hanay ng mga ito para sa progresibo, malaya at pinag-isang bansa.
Matatandaang nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Proclamation No. 1041 noong Hulyo 15, 1997, dahilan para ang buwan ng Agosto ay ideklarang “Buwan ng Wikang Pambansa,” o National Language Month.