^

Police Metro

ACT-CIS agad umayuda sa mga biktima ng baha

Joy Cantos - Pang-masa
ACT-CIS agad umayuda sa mga biktima ng baha
The rescue teams were headed by the Bureau of Fire Protection, the Philippine National Police, the Philippine Coast Guard, and the Philippine Army.
Walter Bollozos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Agad na nagpaabot ng tulong ang ACT-CIS partylist sa mga naapektuhan ng pagbaha noong Miyerkules na kung saan ay nagpahanda si Cong. Edvic Yap ng dalawang libong food packs para sa mga bakwit sa Quezon City at Marikina City. “Hindi lang makatawid ang mga trak namin noong kasagsagan ng ulan at baha dahil maraming kalsada ang sarado”, ayon kay Cong.Yap.

Aniya,narinig nila ang panawagan ng LGU na baka kulangin ang suplay nila ng pagkain dahil sa sobrang dami ng evacuees matapos umapaw ang Marikina River.

 Si Cong. Erwin Tulfo naman ay agad nagpadala ng higit isandaang food packs para sa 100 pamilya na nasa dalawang barangay evacuation centers na malapit sa kanilang opisina noong Miyerkules ng hapon.

“Tumawag kasi yung Christ the King Church sa opis para hingan ng food yung mga bakwit na karamihan ay mga nasasakupan ng parokya nila,” ayon kay Tulfo.

Idinagdag  pa ni Tufo, hindi lang sa panahon ng kalamidad maari silang lapitan kundi maging sa mga problema ng tao sa medical, labor o legal man at magtungo lang sa kanilang opisina No.81 Mother Ignacia Ave., Quezon City.

vuukle comment

FLOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with