PNP bibili ng AI body-worn camera, wanted criminal agad matutukoy

Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, madali nang matutukoy ang isang taong wanted sa batas dahil mag-aalarm ang body camera sa sandaling maitapat ito sa kanyang mukha.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Agad nang makikilala ang mga wanted criminal sa pamamagitan ng AI body-worn camera na bibilhin ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, madali nang matutukoy ang isang taong wanted sa batas dahil mag-aalarm ang body camera sa sandaling maitapat ito sa kanyang mukha.

Ayon kay Marbil, may facial recognition ang body camera na kanilang bibilhin at gagamitin ng mga pulis sa kanilang operasyon.

“May taong may warrant, madali na marecognize ng body cam natin,” ani Marbil.

Una nang sinabi ng PNP na bibili sila ng 4,000 body camera.

Inutos ni Marbil ang pagpapaigting ng operasyon o pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa mga kriminal na sangkot sa heinous crimes. Layon ng body camera na mai-record at masiguro na lehi­timo ang police operations.

Show comments