Laman ng SONA ni Pangulong Marcos, fine-tuning na lang

Philippine President Ferdinand Marcos Jr delivers his speech during the State of the Nation Address (SONA) at the House of Representatives in Quezon City on July 24, 2023.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Ilalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang buong weekend para isapinal ang laman ng kaniyang ulat sa bayan para sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

“Tuloy-tuloy pero ‘yung kabuuan ng speech ko, tapos na. Fine-tuning na lang ang ginagawa namin. Aayusin namin ‘yan lahat bukas at saka hanggang Linggo para maging handa sa SONA sa Lunes,” pahayag pa ni Pangulong Marcos.

Aminado ang Presidente na marami siyang gustong isama sa kaniyang talumpati pero baka mapahaba umano ito ng husto kaya ang mga mahahalagang puntos ang kaniyang prayoridad sa Lunes.

Sinabi ng Presidente na kung hindi man maisama lahat ng mga isyung gustong talaka­yin sa SONA ay ang mga cabinet secretaries nito ang magpapaliwanag sa ibang mga detalye.

Show comments