Full alert status, ikinasa ng NCRPO para sa SONA 2024

Pinangunahan kahapon nina National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr. at Quezon City Police District (QCPD) director PBGen. Redrico Maranan ang ceremonial send-off ng tropa mula sa PNP, BFP, PCG at iba pang government agencies sa QCPD headquarters sa loob ng Camp Karingal, Quezon City bilang paghahanda sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Lunes.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nasa full alert status na simula bukas ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) bilang bahagi ng seguridad sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 22.

Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na sa ilalim ng full alert status, handa at nakaantabay na ang lahat ng mga police officers, mga police units at hindi pinapayagan na magbakasyon ang mga PNP personnel.

Wala pa naman silang namonitor na banta sa seguridad at mahigpit na ipatutupad ang “no fly zone” sa bisinidad ng Batasang Pambansa.

Binigyan diin pa ni Nartatez na magdaragdag pa sila ng 1,000 para sa deployment na manggagaling Regions 3 at 4A.

Aniya, tinatayang nasa 2,000 na mga VIPs, kabilang ang mga diplomats ang bibigyan ng seguridad maging ang mga protesters na nasa 8,000.

Samantala, pinangunahan ni Nartatez ang send off ceremony ng mga contigents sa SONA sa Camp Karingal kahapon ng umaga.

Show comments