^

Police Metro

Delivery rider arestado sa P1.9 milyong ecstasy

Cristina Timbang - Pang-masa
Delivery rider arestado sa P1.9 milyong ecstasy
Sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon na may nakatakdang shipment na idedeliber sa isang open parking lot ng isang kilalang mall sa Cavite sa pamamagitan ng isang delivery rider.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Hindi na nagawang maideliber ng isang rider sa kanyang customer ang nasa mahigit sa P1.9 mil­yong halaga ng ecstasy sa open parking lot ng isang mall sa Brgy. Molino 4 Bacoor City, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ang suspek sa alyas na Randy, 34, residente ng FB Harrison St., Pasay City.

Sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon na may nakatakdang shipment na idedeliber sa isang open parking lot ng isang kilalang mall sa Cavite sa pamamagitan ng isang delivery rider.

Nagsagawa ng operasyon, alas-7:45 ng gabi ang pinagsanib na puwersa ang PDEA 4A Regional Special Enforcement Team 1. lead unit, Unit-Regional Drug Enforcement Unit- PNP (RDEU 4A-PNP) at Bacoor Police.

Sa open parking lot ng Somo Vista Mall ay idedeliber ng rider ang nasabing shipment at dito agad naaresto bitbit ang isang brown paper na may lamang isang box ng sapatos at sa loob nito ay nakuha ang mahigit 1,151 piraso ng blue tablet na ecstasy na aabot sa halagang P1, 956,700.

vuukle comment

ECSTACY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with