Angara opisyal nang umupo bilang DepEd secretary

File photo shows Senator Sonny Angara.
The STAR / Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Ang Department of Education (DepEd) ay opisyal nang pamumunuan ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang kalihim ng ahensiya.

Ito ay matapos i-turn over ni dating Education Secretary at Vice President Sara Duterte ang puwesto sa isang seremonya na ginanap sa DepEd Complex sa Pasig City.

Sa naturang turn
over, ipinasa ni Duterte kay Angara ang selyo at bandila ng ahensiya, gayundin ang transition report.

Bago pa man magsimula ang turnover ceremony, nilibot muna ni Duterte si Angara sa loob ng DepEd building.

Sa kanyang huling talumpati bilang DepEd secretary, aminado si Duterte na may mga programang hindi pa natatapos.

Sinabi naman ni Angara sa kanyang talumpati na itutuloy niya ang nasimulan ni Duterte.

Matatandaan na nagbitiw sa puwesto si Duterte noong Hunyo 19, 2024. Magkakabisa ang kanyang resignation ngayong araw.

Show comments