2 babae arestado sa higit P2 milyong shabu

Kumagat sa pain ng pulis ang dalawang suspect na kinilalang sina alyas Beth, 26-anyos at alias Claire, 58-anyos, pasado alas-6:00 ng gabi.
STAR / File

MANILA, Philippines — Mahigit sa P2 milyon halaga ng ipinagbabawal na droga o hinihinalang shabu ang nakumpiska ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police Station sa isinagawang drug buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Barangay Ususan, Taguig City.

Kumagat sa pain ng pulis ang dalawang suspect na kinilalang sina alyas Beth, 26-anyos at alias Claire, 58-anyos, pasado alas-6:00 ng gabi.

Nakumpiska ng mga operatiba ang mahigit sa 400 gramo ng hinihinalang shabu na may market value na umaabot sa P2,720,000.00.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang weighing scale ng droga at ang buy-bust money at boodle money na ginamit sa operasyon.

Ang dalawang suspek ay kinasuhan ng paglabag sa section 5 at section 11 ng RA 9165, o paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments