Suspek na pumatay sa 3 katao sa Tagaytay hotel, sumuko na

Lucita Barquin Cortez and David James Fisk
https://www.gofundme.com/

Dating empleyado na sinibak

MANILA, Philippines — Sumuko na sa pulisya ang suspek sa pagpatay sa mag-asawang Australian citizen at hipag  sa The Lake Hotel sa Tagaytay City, Cavite, kamakailan.

Kinilala ni Cavite Provincial Director PCOL Eleuterio Ricardo Jr. ang suspek na si alyas “Ro­ger”, 33-anyos, dating pool attendant ng nasabing hotel at residente ng Tuy, Batangas.

Nabatid na bago ang  pagsuko ay natukoy na siya ng mga otoridad matapos na may maka­kilala sa kanya sa mga CCTV footages nang malaglag ng bahagya ang kaniyang face mask habang tumatakas.

Pagnanakaw at paghihiganti ang sinasabing motibo sa krimen dahil noong Marso ay sina­sante ito sa trabaho dahil nasangkot umano ito sa pagnanakaw sa isa sa mga kwarto ng hotel at humingi umano ito ng backpay pero tinanggihan ng management. Magugunita na noong Hul­yo 10 ay natagpuan ang mga bangkay ng biktima na kinilalang sina David James Fisk, 57, taga-Sydney Australia; asawang si Lucita Barquin Cortez, 55, tubong Tacloban, Leyte, Australian citizen, at hipag nitong si Mary Jane Cortez, 30 sa Room 103 ng hotel.

Ayon sa suspek nakita niyang bukas ang bintana ng Room 103 kung saan naka-check in ang mga biktima kaya’t ito ang napili niyang pasukin at pagnakawan.

Hindi naman nabawi sa suspek ang mga ninakaw nito sa mga biktima. Ang kaso ay itinuturing na sarado ng pulisya.

Nahaharap na sa kasong robbery with multiple homicide ang suspek.

Show comments