MANILA, Philippines — Isinasapinal na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magiging laman ng kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 22.
Sa pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, walang anumang enggament ang Pangulo kahapon kaya’t tutok ito sa paghahanda sa SONA.
“The President is on top of finaling his SONA speech. He has no enggament today because he is preparing for the SONA”, ayon pa sa kalihim.
Ang Pangulo mismo ang gumagawa ng kanyang draft at siya rin ang nag e-edit dahil nais nitong mas maigsi ang kanyang sasabihin kumpara noong nakalipas na SONA na inabot ng isang oras.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na nakatutok sa lagay ng ekonomiya ng bansa, kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad at ilegal na droga, ang pagpagpapabuti sa buhay ng mga Filipino ang laman ng kanyang SONA.