Mga LGUs vs illegal voter registrants, pinag-iingat ng Comelec

Individuals fill out registration forms during the first day of the voter’s registration of the Commission on Elections (Comelec) for the 2025 National and Local Elections at the Comelec District 2 office in Quezon City on February 12, 2024.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Commission on Elections (Comelec) ang mga local government units laban sa illegal voter registrats lalo na ngayong papalapit ang halalan sa 2025.

Ang paalala ay ginawa ng Comelec kasunod nang pangamba ng ilang residente sa Malabon hinggil sa pagdami umano ng nagparehistrong mga botante mula sa iba’t ibang lugar partikular sa CAMANAVA area. Nabatid na una nang hiniling ng mga residente sa Comelec na gumawa ng hakbang para maiwasan ang illegal voter registrants upang hindi mababoy ang midterm election.

Nais din ng mga residente na busisiin ng Comelec ang mga requirement na ipinapakita ng nagpaparehistrong ‘outsiders’ para masigurong maiiwasan ang dayaan sa araw ng halalan.

Karamihan sa mga illegal registrant ay mga residente ng Navotas na dinala umano sa Malabon.

Bukod sa Navotas ay may mga residente rin mula sa Caloocan City, Valenzuela City, Manila, Bulacan at iba pang lugar ang namonitor na nagpaparehistro sa Comelec para maging botante ng lungsod.

Show comments