^

Police Metro

Guo nasa Pinas pa rin - Gatchalian

Gemma Garcia - Pang-masa
Guo nasa Pinas pa rin - Gatchalian
In this Facebook post on May 30, 2024 shows Mayor Alice Guo meeting the winners and participants of the Bamban Battle of the Bands Poster Making Contest.
Facebook / Mayor Alice Leal Guo

MANILA, Philippines — Matapos na isyuhan ng arrest warrant ng senado ay nasa bansa pa rin at patuloy na nagtatago si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na pinuntahan na lahat ng mga otoridad ang mga nakarehistrong address ng bahay ni Guo kabilang dito ang mga gusali at istraktura sa QJJ Farms sa Tarlac.

Gayundin ang garments factory nila sa Marilao, Bulacan at Valenzuela subalit hindi matagpuan gayundin ang kanyang mga kapatid na sina ­Sheila, Seimen at Wesley.

Tanging ang kanyang dating accountant na si Nancy Gamo ang naaresto ng senado kung saan siya sumasailalim sa medical check up.

Ayon kay Gatchalian, talagang nagtatago ang alkalde, subalit base sa nakuha nilang impormasyon ay nasa Pilipinas pa ito dahil hindi siya makakagamit ng mga paliparan dahil may hold departure order siya.

Si Guo ay bigong dumalo sa pagdinig ng Senado kaugnay sa raid ng POGO operations sa Tarlac kaya naglabas ng arrest order laban sa kanya.

Idinagdag naman ng Senador na mahalaga rin ang ulat ng Anti Money Laundering Council na mayroong bilyong pisong ipinasa sa account ni Guo mula sa iba’t ibang accounts simula noong 2019-2024 at karamihan sa mga ito ay mula sa China.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with