Lalaki kinatay ng lover ng dating ka-live in

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Taytay Municipal Police Station, bago naganap ang krimen, alas-10:00 ng gabi sa St. Mary Palmera 3, Brgy. Dolores, Taytay ay nagtungo sa lugar ang biktima upang dalawin sana ang kanyang dating kinakasama na si Mary Jane, 35, housekeeper.
STAR / File

Nakita na dumalaw

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 29-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng kasalukuyang lover ng dati niyang ka-live in na dinalaw niya sa Taytay, Rizal kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Joshua Espinida, obrero, ng Maiba, Teresa, Rizal dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatakas naman ang suspek na nakilala sa alyas na Roden, 31, ng Brgy. Dolores, Taytay, Rizal.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Taytay Municipal Police Station, bago naganap ang krimen, alas-10:00 ng gabi sa St. Mary Palmera 3, Brgy. Dolores, Taytay ay nagtungo sa lugar ang biktima upang dalawin sana ang kanyang dating kinakasama na si Mary Jane, 35, housekeeper.

Dito ay nakita siya ng suspek na kinakasama ni Mary Jane at sa labis umanong selos ay kinompronta ito na nauwi sa mainitang pagtatalo at suntukan.

Sa kasagsagan ng suntukan ay bumunot umano ng patalim ang suspek at kaagad na pinagsasaksak ang biktima na ikinasawi nito.

Mabilis namang tumakas ang suspek, na target na ngayon ng manhunt operation ng mga otoridad.

Show comments