P35 daily minimum wage hike sa NCR aprubado na

Workers are seen constructing Marikina’s flood control projects on May 30, 2023, ahead of the rainy season.
Photos by Walter Bollozos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB-NCR) ang P35 na minimum wage hike.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, na simula Hul­yo 17, ang bagong NCR daily minimum wage ay P645 na. Ang nasabing bagong NCR daily minimum wage ay mula sa P610.

Inaasahang magi­ging epektibo naman ito, 15-araw matapos na mailathala sa mga pahayagan.

Matatandaang noong Hunyo, nagdaos ang RTWPB-NCR ng isang open forum sa iba’t ibang mga stakehol­ders hinggil sa hiling na umento sa sahod. Hulyo 16, 2023 naman nang maipatupad ang huling minimum wage increase sa NCR.

Noong Araw ng Paggawa, una nang ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na rebisahin ang minimum wage rates sa bawat rehiyon sa bansa.

Show comments