P35 daily minimum wage hike sa NCR aprubado na
MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB-NCR) ang P35 na minimum wage hike.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, na simula Hulyo 17, ang bagong NCR daily minimum wage ay P645 na. Ang nasabing bagong NCR daily minimum wage ay mula sa P610.
Inaasahang magiging epektibo naman ito, 15-araw matapos na mailathala sa mga pahayagan.
Matatandaang noong Hunyo, nagdaos ang RTWPB-NCR ng isang open forum sa iba’t ibang mga stakeholders hinggil sa hiling na umento sa sahod. Hulyo 16, 2023 naman nang maipatupad ang huling minimum wage increase sa NCR.
Noong Araw ng Paggawa, una nang ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na rebisahin ang minimum wage rates sa bawat rehiyon sa bansa.
- Latest