Mag-lover na nakamotor dedo sa Montero

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang rider at kanyang angkas matapos araruhin umano ang sinasakyan nilang motorsiklo ng isang Montero sa kahabaan ng Congressional Road, Brgy. Poblacion 1, GMA, Cavite, kamaka­lawa ng hapon.

Kapwa nalasog ang mga biktima na kinilalang sina Danilo Barbuco, 26, welder at ang kinakasama nitong si Daisy Duaso, 30, kapwa residente ng Zone 4, Sitio Rolling Hills Brgy. F. De Castro, GMA, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang aksidente, alas-3:46 ng hapon ay sakay ang mag-live in ng kanilang motorsiklo at nang papasok na sila  ng Cong­ressional Road ay nag- signal umano na liliko pakaliwa, subalit mabilis umano na parating ang Mitsubishi Montero Sport (PQC 529) na minamaneho ni alyas JP, 51, may-asawa at hindi na naiwasan na masalpok ang motorsiklo.

Pagtilapon ng mga biktima ay nagulungan pa sila ng nasabing sasakyan na agad dinala sa pagamutan, subalit idineklarang dead on arrival.

Show comments