Lady rider pisak sa mixer truck

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 22-anyos na dalagang rider habang sugatan ang kanyang angkas matapos dumulas ang kanilang motorsiklo at magulungan ng kasalubong na mixer truck sa pagitan ng Brgy. Padang, Legazpi City at Brgy. Sto. Domingo, Albay, kamakalawa ng hapon.

Ang nasawi ay kinilalang si Ariade Menlo, residente ng bayan ng Daraga. Habang ang nasu­gatang angkas ay si Elena, 18, ng Pilar, Sorsogon.

Sa ulat, pasado alas-3:00 ng hapon binabagtas ng motorsiklo ni Menlo ang kahabaan ng national highway angkas si Elena nang mawalan ng kontrol sa manibela at dumulas dahilan para pumailalim at magulungan ng paparating na mixer truck na minamaneho ni Roman Llones, 48.

Show comments