^

Police Metro

Mga mangingisda sa West Philippine Sea, protektahan - Romualdez

Joy Cantos - Pang-masa
Mga mangingisda sa West Philippine Sea, protektahan - Romualdez
Filipino fishermen fetch MV Kapitan Felix Oca at a designated rendezvous point in the West Philippine Sea on December 11, 2023.
Michael Varcas / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — “Siguruhin ang seguridad at kalayaang mangisda sa West Philippine Sea ng mga Pinoy fishermen”.

Ito ang muling panawagan si House Speaker Martin Romualdez sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard dahil sa sinabi ng China na huhulihin na nila ang sinumang papasok sa kanilang teritoryo simula sa Hunyo 15.

Ayon kay Speaker Romualdez, “gawin sana ng ating Navy at Coast Guard natin ang lahat to make sure na walang mangingisda natin ang mahuhuli nila sa mismong teritoryo natin.”

Matatandaang inaangkin ng China ang WPS dahil ito raw ay bahagi rin ng South China Sea.

“Hindi tayo papayag na basta na lang huhulihin nila ang mga kababayan natin na naghahanap-buhay lang sa karagatan ng ating bansa,” dagdag pa ni Romualdez. Sanib-puwersa ngayon ang Navy at Coast Guard sa pagbabantay ng WPS mula Zambales hanggang may Palawan.

“We cannot afford to lose even just one fisherman to them who is simply making a living in our own waters,” ani Romualdez.

Anya, hindi tayo sang-ayon sa kautusan na ‘yan ng China lalo na ‘yung pagbabawal sa lahat ng mangingisda dahil sa pinaiiral nila na fishing ban sa WPS.

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with