Kasambahay nahulog mula sa ika-5 palapag ng bahay, patay
![Kasambahay nahulog mula sa ika-5 palapag ng bahay, patay](https://media.philstar.com/photos/2024/06/16/3_2024-06-16_21-54-52.jpg)
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang kasambahay matapos na mahulog mula sa ikalimang palapag ng bubong ng bahay ng kanyang amo sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City, kamakalawa ng hapon.
Nabasag ang bungo at nagkabali-bali ang mga buto sa katawan ng biktimang si Marites, 36, may live-in partner, at residente ng Barangay Munting Parang, Tagkawayan, Quezon.
Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-3:10 ng hapon ay nakitang naglalakad ang biktima sa bubong ng Lucena Mabuhay Lumber and Hardware na pag-aari ng kanyang amo.
Nang umapak umano ang biktima sa fiber glass na bahagi ng ikalimang palapag ng bubong ay bumigay ito na naging dahilan upang ito ay mahulog sa semento at naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa nasabing insidente.
- Latest