^

Police Metro

Radio reporter kinuyog, sinuntok ng mga miyembro ng Manibela

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Radio reporter kinuyog, sinuntok ng mga miyembro ng Manibela
Nagmartsa ang transport group na Manibela patungong main office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) and Land Transportation Office (LTO) sa kahabaan ng East Avenue, Quezon City sa pagsisimula ng kanilang 3 araw na tigil-pasada upang tutulan ang public utility vehicle (PUV) registration at paghuli sa mga unconsolidated passenger jeepneys.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Kinuyog at sinuntok ng mga miyembro ng transport group na Manibela ang reporter ng DZRH na si Val Gonzales habang nasa coverage ng pagpoprotesta ng mga grupo ng transport group sa tapat ng LTFRB main office sa East Avenue Quezon City kahapon ng umaga.

Sinasabing habang nasa kanilang protesta ang Manibela sa natu­rang lugar ay nagreport ng sitwasyon dito si Gonzales.

“Kinuyog nila ako at may sumuntok sa akin habang ako ay nagrereport sa protesta nila,” sabi ni Gonzales.

Ipinalalagay ni Gonzales na nairita ang Manibela sa kanya sa naireport na hindi nag- consolidate ang ilan sa hanay ng Manibela kaya’t ang mga ito ay colorum dahilan para siya ay saktan.

Una nang nagpahayag ng pagkondena sa natu­rang insidente ang iba’t ibang grupo ng mamamahayag sa Metro Manila partikular na ang QC Journalist Group.

Umaasa ang QCJI na magiging patas ang gagawing imbestigasyon ng mga otoridad hinggil dito.

Binigyang diin ng QCJI na ginagampanan lamang ni Gonzales ang kanyang trabaho para sa isang malayang pamamahayag.

MANIBELA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with