^

Police Metro

4 utas sa salpukan ng motor

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang apat na sakay ng motorsiklo matapos magbanggaan ang kanilang mga sasakyan sa kahabaan ng national highway ng Brgy. San Isidro, Malilipot, Albay kamakalawa ng gabi.

Nagkalasug-lasog ang katawan at agarang nasawi ang mga riders na kinilala lamang sa pangalang “Mandy”, 35, ng Tabaco City; “Celso”, 29; at mga angkas nito na sina Minggoy, 33; at Dalton, 43, pawang residente ng Brgy. Teresa ng naturang bayan.

Sa ulat, magkasalubong at kapwa mabilis na binabagtas ng motorsiklo nina Mandy at Celso na angkas sina Minggoy at Dalton ang kahabaan ng highway.

Gayunman, pagda­ting sa lugar ay malakas na nagbanggaan ang kanilang mga motorsiklo dahilan para silang lahat ay tumilapon na hu­mampas sa sementadong kalsada.

Mabilis namang nirespondehan ang mga walang malay na biktima ng mga pulis at ambulansya pero lahat sila ay namatay dahil sa ma­tinding pinsala sa ulo at katawan.

Lumalabas sa imbestigasyon na pawang nakainom at walang suot na helmet ang mga biktima.Patuloy pa sa ginagawang imbestigasyon ang mga pulis.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with