MANILA, Philippines — Muling isinailalim kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid sa yellow alert dahil sa nananatiling nasa forced outage ang higit 15 planta ng kuryente.
Ayon pa sa NGCP, ang peak demand para sa grid ay nasa 13,714 megawatts, ngunit ang available capacity ay nasa 15,167 megawatts lamang.
Ang yellow alert ay ibinibigay kapag ang operating margin ay hindi sapat upang matugunan ang kinakailangan sa contingency ng transmission grid.
Matatandaan na ilang linggo nang naglalabas ng babala ang NGCP tungkol sa manipis na reserba ng kuryente.
Noong nakaraang linggo, inamin ng Department of Energy (DOE) na ang sitwasyon ng kuryente ay umabot na sa “crisis levels”.