^

Police Metro

Paslit nalunod sa swimming pool

Mer Layson - Pang-masa
Paslit nalunod sa swimming pool
Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, alas-3:00 ng hapon nang maganap ang insidente ngunit naiulat lamang ito sa pulisya kamakalawa.
STAR / File

MANILA, Philippines — Napalitan ng kalungkutan ang masaya sanang paliligo ng isang pamilya sa isang private resort matapos malunod ang isang 4-anyos na batang lalaki, kamakalawa sa Rodriguez, Rizal.

Kinilala lamang ang biktima sa pangalang ‘Roxan,’ 4, residente ng Sitio Sapa Wawa, Brgy.  San Rafael, sa Rodriguez.

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, alas-3:00 ng hapon nang maganap ang insidente ngunit naiulat lamang ito sa pulisya kamakalawa.

Nauna rito, dahil sa init ng panahon ay nagkayayaan ang pamilya ng biktima na maligo sa isang pribadong resort na matatagpuan sa Sitio Wawa 2, sa Brgy. San Rafael.

Maya-maya ay nagulat na lang umano ang ina ng biktima nang makitang walang malay ang anak habang nakababad sa tubig.

Kaagad umano nilang isinugod ang biktima sa Casimiro Ynares Hospital ngunit idineklara na itong patay ng mga doktor.

vuukle comment

DROWN

POOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with