Presyo ng manok at baboy, sumirit
MANILA, Philippines — Sumirit ang presyo ng kada kilo ng manok at baboy sa ilang pamilihan sa Quezon City partikular sa Nepa QMart.
Ito ay makaraang madagdagan ng P10 ang kada kilo ng manok na nasa P190, mula sa dating P180 per kilo.
Tumaas din ang presyo ng kada kilo ng karne ng baboy na nasa P260 mula sa dating P240 hanggang P250 kada kilo.
Ang liempo naman ay nasa P300 per kilo; butu-buto na nasa P150 hanggang P200 kada kilo; pata o paa ng baboy na nasa P160 hanggang P170 per kilo; at ribs na nasa P235 kada kilo.
Tumaas din ang per kilo ng giniling na mula sa dating P260, ngayon ay nasa P280 na ang kada kilo.
Sa pahayag ng mga meat vendor, tumaas ang presyuhan sa kada kilo ng manok at baboy dahil sa dagdag bayad nila sa mga traders at suppliers ng baboy at manok bunsod parin ng El Niño phenomenon at malakihang singil sa presyo ng produktong petrolyo.
- Latest