Kamara iimbestigahan ang problema sa RFID sa tollways

Ayon kay House Deputy Majority Lea­der Rep. Erwin Tulfo, nakatakdang pulungin ni House Speaker Martin Romualdez ang pamunuan ng NLEX at pati na rin ng SLEX kasama ang Toll Regulatory Board (TRB).
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Matapos ang buhul-buhol na traffic sa North Luzon Expressway (NLEX) noong Miyerkules Santo bunsod ng problema sa mabagal o hindi mabasang mga radio frequency identifications (RFIDs) sa mga sasakyan sa toll way ay makikialam na ang pamunuan ng Kamara de Representantes hinggil dito.

Ayon kay House Deputy Majority Lea­der Rep. Erwin Tulfo, nakatakdang pulungin ni House Speaker Martin Romualdez ang pamunuan ng NLEX at pati na rin ng SLEX kasama ang Toll Regulatory Board (TRB).

Aniya, nais malaman ni Romualdez kung may ginagawa na silang aksiyon hinggil sa reklamong ito ng mga motorista.

“Sa Japan, Singapore, at Europe, automatic na tataas agad ‘yung boom barrier pagdaan ng sasakyan sa toll gate.”

Show comments