^

Police Metro

Police Major sa ‘missing’ beauty queen, kalaboso sa Senado

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinatawan ng contempt ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs si Police Major Allan De Castro dahil sa pagsisinungaling nang itanggi na nobya niya ang nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.

Iniimbestigahan ng komite ni Senador Ronald Dela Rosa ang pagkawala ng beauty queen simula noong Oktubre 12, 2023 at hindi pa rin natatagpuan.

Sa pagdinig, ilang beses na tinanong ni Dela Rosa si De Castro kung nobya nito ang nawawalang beauty queen na itinanggi naman ng police major.

Matapos ilang beses itanggi ni De Castro na kasintahan niya si Camillon, tinanong naman ni Dela Rosa ang ina ng nawawalang beauty queen na si Rosario Camilon at pinabulaanan nito ang sinabi ng opisyal.

Kinumpirma rin ng mga kinatawan ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police na base sa mga isinagawa nilang imbestigasyon ay girlfriend si Camilon ni De Castro.

Mayroon din umanong mga nakuhang larawan ang NBI nina Camilon at De Castro na nagpapakita ng “affection.”

Agad na isinulong ni Senator Robin Padilla na patawan ng contempt si De Castro na pinagtibay naman ni Dela Rosa at ipi­nag-utos sa Office of the Senate Sergeant-at-Arms na ikulong sa Senado si De Castro.

CATHERINE CAMILON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with