6 sundalo patay sa engkuwentro sa Daulah Islamiyah sa Lanao del Norte

MANILA, Philippines — Nasawi ang anim na sundalo habang apat ang sugatan sa naganap na engkwentro sa Brgy. Ramain, Munai, Lanao del Norte sa pagitan ng militar at mga miyembro ng Daulah Islamiyah, nitong Linggo.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, nagsasagawa ng Decisive Military Ope­ration ang militar sa lugar nang makaharap ang humigit kumulang 15 myembro ng DI.

Dalawang miyembro ng Daulah Islamiyah naman ang nasawi sa bakbakan at ilan pa ang sugatan base sa intelligence Information.

Dahil dito, umabot na sa 18 ang kabuuang bilang ng mga DI na na-neutralisa ng militar kasama na si alyas “engineer” na mastermind sa Mindanao State University (MSU) bombing.

Ang mga sugatang sundalo ay agad dinala sa Camp Evangelista Station Hospital at kasalukuyang ginagamot.

Show comments