Terrorist activities sa Mindanao apektado sa pagkaaresto sa babaeng global terrorist - PNP

MANILA, Philippines — Malaking dagok sa mga local terrorist na kaanib ng Islamic State (ISIS) at Al Qaeda ang pagkakaaresto ng global terrorist na si Myrna Mabanza.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen.Benjamin Acorda Jr., dahil makakaapekto sa cash flow ng mga lokal na terorista sa Mindanao ang pagkaaresto kay Mabanza na nagsilbing local financial conduit ng mga foreign terrorist groups.

Si Mabanza ay naaresto nitong Huwebes ng pinagsanib na pwersa ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Intelligence Coordina­ting Agency (NICA), Anti-Money Laundering Council (AMLAC), at Presidential Anti-orga­nized Crime Commi­ssion, sa Barangay Pasil, Indanan, Sulu.

Sangkot si Mabanza sa pag-transfer ng $107,000 sa noo’y ISIS-Philippines leader Isnilon Hapilon; at naging taga-hatid din ng pera sa ibang ISIS member.

 Nahaharap si Mabanza sa limang counts ng paglabag sa RA 10168 o The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 at RA 11479 o The Anti-Terro­rism Act of 2020.

Show comments