Senior Citizens Act muling bubusisiin ng Kamara

File photo of ACT-CIS Representative Erwin Tulfo
Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Nakatakdang busisiin ni ACT-CIS Representative Erwin Tulfo ang Senior Citizens Act kapag ito ay isinalang na sa pagrebyu anumang araw ngayon.

Si Cong.Tulfo, na deputy majority leader din ng kongreso, ay isinama ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa Technical Working Group (TWG) para rebyuhin ang Senior Citizen Law.

“Kaliwa’t-kanang reklamo na kasi na hindi naibibigay ng tama o hindi talaga binibigay ang mga benepisyo ng mga senior ng ilang mga business establishments kaya rerebyuhin na ng kongreso ang naturang batas,” wika ni Rep.Tulfo.

“Medyo obsolete na ang ilang probisyon dito tulad ng P65 na discount. Ano pa mabibili sa P65 ngayon?,” aniya.

Pinapaalis na rin ng mambabatas ang pagbibitbit ng discount booklets ng mga senior dahil lagi naman umano nila itong nakakalimutan o hindi naman naiisyuhan ng bagong booklets sila ng local govern­ment units (LGU).

“Kapag hindi nila dala ang booklet, e, sorry na lang. Walang discount o balikan nila sa bahay,” dagdag ni Rep.Tulfo

“Congress will make sure this time na maibibigay na ng tama ang mga discounts ng mga seniors at pwds na rin pagrebyu namin ng batas na ito,” pahabol ni Tulfo.

Show comments