70-anyos Pinay, patay sa Hawaii wildfire
MANILA, Philippines — Isang 70-anyos na filipina ang ika-100 biktima ng wildfire sa isla ng Maui sa Hawaii noong nakaraang taon.
Si Lydia Coloma ay unang naiulat na kabilang sa maraming nawawalang indibidwal sa nangyaring wildfire noong agosto 8 ng nakaraang taon kung saan lubhang naapektuhan ang Lahaina na capital ng Hawaii.
Nakumpirma ang pagkakakilanlan ni Coloma sa pamamagitan ng DNA test at kabilang din sa apat na katawan na narekober mula sa Lahaina wildfire.
Nauna na rin kinumpirma ng pamilya ni Coloma na na-trapped ito sa sunog at nasawi kasama ang kanyang asawang si Salvador at iba pang kamag anak.
Nauna na rin kinilala ng Maui police department ang pagkamatay ng pitong kamag anak ni Coloma sa pamamagitan ng DNA.
May kabuuang 29 Pilipino at Filipino-Americans (Fil-Ams) ang kabilang sa 100 na nasawi sa itinuturing na pinakamapinsalang wildfire sa kasaysayan ng isla ng Hawaii.
- Latest