P7.14 milyong shabu samsam sa PDEA buy-bust

MANILA, Philippines — Nasa P7.14 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang “tulak” sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ni PDEA Director General Moro Virgilio M. Lazo, ang mga dinakip na sina Raquel Macmod, 33, ng La Forteza St., Brgy. 175, Camarin, Caloocan City at Abdulbasit Ali, 34, ng Jose P. Rizal St., Upper Bicutan, Taguig City.

Isinagawa ang operasyon sa 6127 Zapote Road corner Ilang-Ilang St. sa Brgy. 177 dakong alas-12:55 ng madaling araw.

Isang undercover agent ang nagsilbing poseur buyer ang isang pulis at nang mag-positibo ang bilihan ay agad na inaresto ang dalawang suspek.

Nakumpiska sa kanila ang may 1.05 kilo ng shabu at ang Toyota Vios na gamit ng mga suspek sa kanilang illegal na aktibidad.

Show comments