Dentista na viral sa mga suot na alahas, kinatay sa bahay

MANILA, Philippines — Wala nang buhay at tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang dentista at kagawad ng barangay sa loob ng kanyang bahay sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Dr. Augustine Bolor Jr. na mas kilala bilang Doc Teng, kagawad ng barangay.

Natagpuan itong walang buhay sa loob ng kanyang bahay sa Barangay San Vicente Central, Calapan City, Oriental Mindoro dakong alas-8:30 kahapon ng umaga.

Ayon kay PLTCol. Danilo Driz, police chief, posibleng pagnanakaw ang motibo ng krimen.

Minsan na umanong nag-viral sa social media ang biktima dahil sa napakaraming suot na alahas.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa naturang krimen.

Show comments