‘Feng shui expert’ tiklo: P50 milyong kinulimbat sa mga biktima
MANILA, Philippines — Isang lalaking nagpapanggap na Feng shui expert ang inaresto ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest sa pagtangay nito ng mga pera at alahas sa kanyang mga kustomer na umabot sa P50 milyon.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 226, dinakip ang transgender na si Ivan Borromeo Alyas Celine at kilala rin sa pangalang Mark Lester Alvarez na nahaharap sa 2 counts ng kasong Estafa.
Nabatid kay QCPD Director PBGen. Redrico Maranan na sinalakay ng mga tauhan ng QCPD Special Operations Unit ang tinutuluyan ng suspek sa Unit 902 Fernandina 88 Suite, 801 P.Tuazon St., Brgy Socorro, Cubao, Quezon City.
Modus ni Borromeo na mangpanggap na Feng Shui expert at kung minsan ay manghuhula at pagpasok sa bahay ng kanyang mga mabibiktima ay kukunin ang mga pera at alahas na ilalagay sa dalang bag kapag nalingat ang binibiktima.
Sinabi naman ni Borromeo na hula-hula lamang ang kanyang ginagawa at nais lamang niyang makakuha ng perang pambayad ng utang.
- Latest