^

Police Metro

Transport group nagpasaklolo sa commuters

Angie dela Cruz - Pang-masa

Sumama sa kilos protesta vs modernization...

MANILA, Philippines — Dahil makakaapekto umano ito sa libu-libong mananakay ng jeepney sa darating na Enero kaya’t hinimok ng transport group na MANIBELA ang mga pasahero na makiisa sa isinagawa nilang kilos protesta laban sa franchise consolidation sa ilalim ng PUV modernization program kapag itinuloy ang itinakdang deadline sa konsolidasyon sa dara­ting na Dec. 31.

Nangangahulugan umano ito na makakansela na ang permit to operate ng maraming mga jeepney operators.

Ayon kay Mar Valbuena, pangulo ng MANI­BELA na nasa 40,000 jeepneys ang hindi pa nakaka-comply sa consolidation ang hindi na makakabiyahe pa pagda­ting ng Enero kung saan sa malaking bilang na ito mas maraming commu­ters din ang maaapektuhan ang pagbibiyahe.

Magugunitang nag­harap na ng petisyon ang transport groups sa Kort­e Suprema para pi­gilan ang pagpapatupad ng PUV modernization.

Sakali umano na ibasura ng SC ang kanilang petisyon ay wala na silang magagawa kundi ang ipagpatuloy ang protesta at malaking bagay kung makakasama nila ang mga mismong commuters na siyang lubhang maaapektuhan.

Ganito rin ang na­ging banta ng PISTON na dalhin ang kanilang hinaing sa mga gate ng Malacañang.

MODERN JEEPNEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with